Biyernes, Pebrero 21, 2014

               




 Ang Cavite ay nahahati sa 20 munisipalidad at tatlong lungsod. Kabilang sa mga munisipalidad ng Cavite ang Alfonso, Amadeo, Bacoor, Carmona, Dasmariñas, Gen. Mariano Alvarez, Gen. Emilio Aguinaldo, Gen. Trias, Imus, Indang, Kawit, Magallanes, Maragondon, Mendez, Naic, Noveleta, Rosario, Silang, Tanza at Ternate.Kabilang sa lungsod ay ang sumusunod: Cavite, Trece Martires at Tagaytay.






WikaTagalog, Chabacano at Ingles ang mga pangunahing wikang ginagamit sa Cavite. Chabacano ang kadalaasang wika ng mga taga Lungsod Cavite at Ternate na nagsimula sa pagdating mga Espanyol sa lalawigang ito ilang daan taon nang nakararaan.

RelihiyonMay 80 porsiyento ng mga naninirahan sa Cavite ay Romano Catolico habang 11 porsiyento ay kasapi ng Aglipay at apat na porsiyento ang mga miyembro ng Iglesia ni Kristo. Ang natitita pang porsiyento ay para sa mga Muslim at iba pang sekta.

EkonomiyaAng Cavite ay isa sa mga lalawigan na unti-unting umuunlad dahil sa lapit nito sa Kalakhang Maynila. Maraming Kompanya tulad ng Intel, ang nagtatatag ng mga industrial parks sa lalawigan.
Ang Cavite ay sentro ng komersiyalismo hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa.Maraming mga dayuhang namumuhunan ang naengganyong magtatag ng mga negosyo at nakikisosyo sa mga mga Filipino.
Tatlong SM Malls at tatlong Robinsons Malls ang matatagpuan sa Cavite. Ang mga ito ay ang SM City Bacoor, SM City Dasmariñas, SM Supercenter Molino, Robinsons Place Imus, Robinsons Place Dasmariñas at ang malapit nang buksan na Robinsons Place Tagaytay.

PinagmulanAng Cavite ay tinawag na Makasaysayang Kabisera ng Filipinas. Ito ang duyan ng Himagsikan sa Filipinas at ang lugar kung saan ipinanganak ang Kalayaan ng Filipinas.

(:PASYALAN SA CAVITE :)

Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite
Ito ang bahay ni Emilio Aguinaldo – ang unang Presidente ng Pilipinas! Ito ay makikita sa Kawit, Cavite.  Pagdating sa SM Bacoor, kaliwa lang.  Madadaanan ang Island Cove Resort bago marating ang shrine na ito.  Ito ay isang “historical landmark”  na ang ibig sabihin ay malaki ang naging bahagi ng bahay na ito sa kasaysayan ng Pilipinas.  Walang entrance fee! Ayon sa mga nasusulat, itinayo raw ito noon pang 1845 at naging isang shrine noong 1965.
Mabuti na lang at na-preserba ang bahay na ito kahit ganuon pa ito katanda. Kailangan talaga nating pangalagaan ang mga ganitong lumang bahay dahil dito natin makikita ang naging nakaraan ng ating bansa. “We should learn from history” -sabi nga nila. Meron bang programa ang ating gobyerno para mapa-ngalagaan ang mga lumang bahay at iba pang istraktura dito sa Pilipinas?  Ang alam ko kasi ang pangangalaga sa mga ito ay trabaho ng gobyerno na nakaatang sa NHI.  Dahil sa kakulangan ng pondo (lagi naman!) ay hindi kaya na napapangalagaan ang ganitong mga bahay. Nabalitaan nyo rin ba ang nangyari sa bahay ng nanay ni Rizal sa Laguna? Yung “Alberto house” na balak sanang gibain.  Sana ay patuloy na ipaglaban sa demolisyon ang bahay na ito. Alam ko na may mga isyu tungkol sa bahay ng nanay ni Rizal pero sana hindi mangyari sa Aguinaldo Shrine ang nagaganap sa Alberto house.

Ang Lungsod ng Trece Martires, ay isang ika-apat na klaseng lungsod sa lalawigan ng KabitePilipinas. Ito ang kabisera ng Kabite. Ayon sa sensus noong 2010, mayroon itong 104,559 na populasyon.
Ito ay ipinangalan sa labintatlong Martir ng Kabite na pinatay ng mga Kastila noongSetyembre 12, 1896.
Dito rin matatagpuan ang Kapitolyo ng lalawigan ng Kabite.Ang ugnayan at transaksyong panlalawigan ay ginagawa sa lungsod sa kabila ng pagdedeklara nitong kabisera ay Imus, Cavite.


Tagaytay Picnic Grove

Ito ay isang pasyalan na matatagpuan sa Tagaytay, sa pasyalan na ito  ika'y sadyang mabibighani sa ganda, sa lamig ng simoy ng hangin na tila nakawawala ng problema. Sa pasyalan na ito maaari ma rin makita ang Taal,Volcano. Madami na ding turista ang nagbisita dito.



Mga Pagkaing Kay Sarap :) 

                

Mga pagkaing iyong nasilayan sa Cavite iyong matitikman, pagkaing kay sarap tamang tama sa yung pansalap.
Ibat-Ibatng pagkaing tama ang timpla, sakto sayong panlasa. Dinarayo ng madami, pinupunahan ng turista dahil
sa kakaibang lasa. kayat kung ako ikaw halinat pumunta sa Cavite, Ngayon Na!
 


SA CAVITE TAYO NA!!

Sa mga lugar at pagkaing nasilayan iyong makikita at matitikman sa lalawigan ng Cavite. Madaming pasyalan at kakaibang pagkaing kaysarap sa panlasa. Madami ng Turista ang nagpunta, nabighani sa ganda. Di malimutang alaala naka ukit sa puso nila. Madami ang nabibighani sa ganda sa lugar gusto pumunta. Makasaysayang lugar madaming maaalala at matututunan nakadadagdag sa inyong kaalaman. Magsasaya,Matutuo, Makaaalala,Mabubusog lahat ng iyan mararanasan pag nagpunta sa lugar ,kayat kung ako sayo halinat pumunta sa lalawigan ng Cavite Tayo Na!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento